ANG BISPERAS NG TAGUMPAY

Pebrero 2002

ni oosh

(isinalin sa Filipino ni katecn55 Enero 2003)

“Mapagpalang Diyos! Ginulat mo ako!”

Nagitla siya sa walang kaabug-abog na paglitaw ko. “Patawad… Ipinadala ako rito…” Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag.

Tumayo siya, tapos ay hinagud-hagod ang kanyang mga pulso. Alam kong may panahong inilagay siya sa malaking hawla, nakatali ang leeg, paa't mga kamay, kaya't ni hindi man lamang niya maigalaw ang kanyang mga bisig at hita; at sa maraming buwan matapos iyon ay pinanatili nila siyang nakagapos sa tanikalang bakal. Subalit ito na ang kanyang huling gabi, at ngayon kahit na ang kanyang mga hukom ay tiwalang buong tatag na niyang natanggap ang kanyang mapait na kapalaran. Maliwanag na kahit ang mga nagbabantay sa kanya ay napahanga na rin niya. Wala na ang mga posas at tanikala: ang nakapatong sa kanyang mga balikat, na tila simbolo ng kanyang paglaban sa mga Ingles, nakasukbit dito ang isang baluti – tiyak na ipinahiram ng isa sa kanyang mga guwardya. Tunay na malaki ito para sa kanya, at lalo pang nakatatawag ng pansin sa kanyang kaliitan.

Subalit ang mistulang munting manyikang bata na may matipunong pangangatawan, ang maliit na batang babaeng pisanteng ito ay labis na niligalig ang mga mananakop na Ingles sa pamamagitan ng kanyang kamangha-manghang galing bilang heneral: siya, isang mangmang, isang di nakapag-aral na probinsyana, ay napangibabawan ang maraming buwan ng pagtatanong ng animnapu sa pinakatusong mahistrado, tumutugon nang walang pagkatakot, buong katapatan, na may magiliw, mapayapang pagtutol, at nag-alinlangan – minsan lamang – sa harap ng kanilang walang sawang pandudusta.

At kung ako ay namamangha sa aking nasilayan, mukhang siya'y puno rin ng pagtataka. “Ikaw ay… Ikaw ay mula sa langit. Tiyak iyon.”

“Bakit mo nasabi iyon? Lahat naman tayo ay ipinadala mula sa langit.”

Kumunot ang kaniyang noo. “Hindi… Hindi… Hindi lahat.”

“Binanggit mo si Cauchon?”

Bigla niyang itinaas ang kanyang ulo. “Ah! Si Cochon!” At doo'y natawa ako; subalit mukhang nainis siya, at sinuntok ng kanyang kamao ang ang kanyang palad. “Hindi… Hindi ko dapat sinabi iyon. Mali iyon.”

“Inaakit kang magkasala ng kanyang masamang hangarin. Subalit, sa harap nang lahat na taglay niyang kapangyarihan, si Cauchon ay isang alipin ng mundo at lahat ng mga tuksong nakapaloob dito. Habang narito tayo ngayon, nakatayo naman siya sa kanyang lamesa, isinusulat ang mga mumunting detalye na magpatunay na ikaw ay isang bruha at gumagamit ng kaalamang itim. Kahit na ang nais niyang gawin ay ipangatuwiran ang sarili sa hari, sa sinod, sa papa, at sa konseho, sa huli, ang lahat ng kanyang sasabihin ay sapat upang siya mismo ang sumpain.”

“Wala akong pakialam kung ano ang kalalabasan ng kanilang paghuhukom. Ipinauna na sa akin ni Santa Catalina kung ano ang kahihinatnan niya at ng iba pa niyang kapanalig.” Pagkasabi noon, kinilabutan siya sa naalala. “Hindi na ako natatakot para sa aking sarili, natatakot ako para sa kanila.”

“Sa kabilang mundo man, o dito: uusigin sila ng kasaysayan, at mapapawalang-sala ka.”

Nagsalubong ang kanyang kilay. “Sinabi ko na sa iyo – Hindi na mahalaga sa akin ang paghuhukom ng mundo.”

“Hindi na? Ano na ang mahalaga sa iyo ngayon?”

“Mayroon lamang akong 3 kahilingan: una, ang sarili kong kaligtasan; sunod, ang itaguyod ng Diyos ang aking gawain; at panghuli, ang pagtubos sa aking kaluluwa.” Kahit na maliit siya, nakatayo siya nang mabikas suot ang mabigat na baluti, nakaposas ang mga paa, nakakuyom ang kamao na animo'y handang lumaban sa sinumang tututol sa kanya; ngunit sa wari ko'y takot siyang tumingin sa akin.

Ngayon, Dalaga, ukol sa iyong unang kahilingan: nauunawaan mo ba kung paano ka maliligtas?

Sandali siyang napatahimik, matapos ay naghiwalay ang kanyang mga bisig at nagkibit-balikat. “Sinabi na ng mga naririnig kong tinig… subalit napakahirap nilang maunawaan.”

“At ano ang sinabi nila sa iyo?”

“Na maliligtas ang aking kaluluwa…” ibinaling niyang pababa ang kanyang tingin, at nagsalita nang halos pabulong. “… subalit hindi ang aking katawan.”

“Iyon lamang ba ang sinabi nila sa iyo?”

“Hindi. Sinabi rin nilang hindi ako dapat matakot. Paulit-ulit nilang sinabi iyon. Ayon sa kanila, dapat akong magtiwala sa Diyos.”

“At nagtitiwala ka ba?”

Muli, kinuyom niya ang mga kamao. “Hayaan mong lahat ng tao ay magsinungaling – Ang Diyos lamang ang tanging tapat!” Tumingin siya sa akin, isang naglalagos na tingin, at nakita ko ito sa kanyang mga mata.”

“Mainam kang sasagot, Dalaga. Lagi ka mang may kirot na daramhin, di ka na muling magdurusa tulad noong sa palaso sa Orléans —”

“Wala iyon! Ni halos hindi ko iyon naramdaman!”

“— o sa Paris – kahit pa nga matapos ang iyong pag-alpas sa Beaurevoir.”

“Ako'y…” Nais niyang sumingit subalit sinansala ko siya sa pamamagitan ng kumpas ng kamay.

“Ni hindi mo mararamdaman ang hapding tulad nang dinanas ng iyong inang si Isabelle noong ika'y ipanganak niya. Sa labis na pagmamahal sa iyo, kahit maganap pa ito nang sampung ulit ay daranasin pa rin niya ito nang buong lugod.”

Marahan siyang umiling, nakababa pa rin ang tingin. “Subalit… paano mo ito nalaman?”

“At ngayon, ukol naman sa iyong pangalawang hiling – na saklolohan ng Diyos ang mga Pranses: dapat mong malaman na ang apoy ng mga sigang sisindihan bukas plasa ay mananatiling nagliliyab sa puso ng bawat isang Pranses hanggang ang mga Ingles ay tuluyang maipagtabuyan palabas ng Pransia.”

Humalakhak siya, at tapos ay pumalakpak. “Alam ko! Sinabi na iyan sa akin ng Diyos!” Muli siyang tumingin sa akin, at muli nahiwatigan ko ang liwanag mula sa kanyang kalooban.

“Subalit higit pa roon,” nagpatuloy ako: “ang apoy na sisindihan bukas ay maglalagablab sa buong mundo, at kailanma'y di na maampat.”

“Sa buong mundo? Hindi ko makita kung…”

“Sinumang babae ang makarinig ukol sa iyong mga ginawa, o matanto ang iyong katapangan, bata man siya o matanda, Pranses man siya o — oo – kahit pa Ingles — magliliyab ang apoy na ito sa kanyang dibdib at ikararangal niyang tawagin siyang Babae, sunod sa iyo.”

Yumuko siya, na tila na napahiya sa mga narinig. “Subalit bigo ako. Maraming pagkakataon kung saan ako ay nadapa.”

“Kung gayon tumungo tayo sa ikatlong kahilingan mo – ang katubusan ng iyong kaluluwa. Oo, nadapa ka nga. Nadapa ka noon sa Beaurevoir, at muli noong Huwebes.”

“Noon, higit kailan pa man. Natakot ako… natakot ako sa apoy. Ipinahamak ko ang sarili upang iligtas ang buhay ko. Subalit ito ay isang pagkakamaling maari kong iwasto… at bukas gagawin ko ito.”

“O Mahal na Panginoon, na may alam nang lahat, alam mo kung gaaano kabigat ang krus na ipinabuhat mo sa kanya — at sa Pransya. Huwag mong kalimutang tatlong beses siyang nadapa sa daan patungo sa Golgota.”

“At sa huli, ipinadala mo si Simon ng Sirin upang tulungan siya.”

“Kaya nga narito ako. Hindi ka pinabayaan. Alalahanin mo kung ilang beses mong ipinanikluhod sa mga bumihag sa iyo na isang babae ang maging kaselda mo.”

“At sila nga ba ang nagpadala sa iyo rito?” Sa ikatlong pagkakataon tumingin siya sa akin, sa simula'y may pag-aalinlangan, sa huli'y bumalik muli ang liwanag mula sa kanyang kaibuturan. “Hindi, hindi maaari iyon,” bulong niya, habang nakatingin sa aking mga matang nakatitig sa kanya. “Bakas ko sa iyong pananalitang hindi ka isa sa kanila. At napakaganda mo.”

Lumuhod ako sa harap niya, at hinawakan ang laylayan ng kanyang baluti, at hinalikan ito. “Utang ko sa iyo ang aking kagandahan, Jeanne.”

Napaatras siya. “Bakit mo ginagawa iyan?”

“Bukas, ang baluting ito ay mapupunit at bawat isang kaputol ay pupunitin pa nang mahigit sa isang dosena; at bawa't bahagi ay ituturing na natatanging labi, na hahalik-halikan nang paulit-ulit ng mga tapat na supling ng Pransya.”

“Paano mangyayari ito?”

“Dahil sa isinuot mo ito, Jeanne. Subalit sa ngayon'y itabi mo muna ito: kailangang damit pambabae ang isuot mo sa iyong huling pakikipaglaban — at ngayong gabi, magsisiping tayo.”

Kasabay ang mga katagang ito, namalas ko ang bagong liwanag ng bukang-liwayway sa kanyang mga mata: ang liwanag ng pagkagiliw.

“Sino ka? Ano ang pangalan mo?”

“Hindi ko pa masasabi sa iyo ngayon kung sino ako: hangga't hindi pa kita nahahalikan ng tatlong ulit. At kapag nalaman mo na kung sino talaga ako, kailangan na tayong magkahiwalay. Ukol naman sa aking pangalan: sa mga nagmamahal sa akin, kilala ako bilang Marianne.”

“Marianne…” sinabi niyang tila nagtatanong, ang mga mata niya'y nangingislap ngayon dahil sa pagnanasa. “Marianne…”

“Gumagabi na: matulog na tayo. Hubarin mo ang aking damit.”

Habang ginagawa niya ito, bumilis ang kanyang paghinga. “Hindi ka tulad ni Santa Catalina — o ni Santa Margarita.”

“Hindi. Tumimo ka sa kanila sa larangang ispiritwal: subalit alam mong hindi sila kabilang sa mundong ito. Di sila bahagi ng mundong ibabaw tulad rin nina San Miguel at ng mga banal na anghel.”

Tumango siya. Ngayong nailantad na niya ang aking bisig, hindi niya napigilang haplus-haplusin ito. “Subalit ikaw… bahagi ka ba ng mundong ito?”

“Kabahagi ako nito.”

“Subalit kung bahagi ka ng mundong ito… hindi ko ito mawari. Paano mangyayaring ang kagandahang taglay mo ay bahagi ng mundong ito?”

“Isa ka sa mundong ito; at ang kagandahan ko ay nagmumula sa iyo, Jeanne.”

“Mula sa akin…” Inihinga niya ang mga salita, habang malamyos na hinihimas ang aking dibdib. “Hindi ko maunawaan, subalit…” Hubad na ako ngayon, at siya'y humakbang patalikod, hindi makaimik.

Nakikita kong ngayon ang kanyang pagtataka ay unti-unting napalitan ng pagnanasa.

“At ikaw ngayon, Jeanne. Ikaw at ako magkapiling.”

“Oo, oo…” tila siya nanlulupaypay. “Subalit hindi ako karapat-dapat…”

Sa huli, tinulungan ko siyang tanggalin ang kanyang baluti at ang gusgusing damit preso, habang inaalo ko siya sa pamamagitan ng mararahang salita. Maputla siya dahil sa malaong pagkabilanggo, at payat matapos ang maraming buwang walang kinakain kundi ang tinapay ng kalungkutan at ang tubig ng pagdaramdam, subalit nananatili siyang malakas, at siya ay marilag. “Ikaw ay labinsiyam,” sabi ko. “Tulad ka ng isang lila.”

Pakimi siyang ngumiti. “Ang flordelis.”

“Ang bulaklak ng Pransya. Halika — halikang humimlay.” Humiga ako sa matigas na kama, at inaya ko siya sa aking tabi.

Gumapang siya patungo sa aking mga bisig na tulad ng isang paslit. Sa simula, nangangatal siya kahit na maalinsangan ang gabi; subalit unti-unti, habang hinahaplos ko siya, pumanatag siya at humiga na nang palapat. At pabulong na sinabing, “Napakaganda mo, Marianne. Maari ba kitang damhin?”

“Sa gabing ito, sa pagpapala ng Diyos, ako'y sa iyo.”

Sa una ay nag-aalinlangan, kalauna'y puno nang bugso ng damdamin, sinimulan niyang saliksikin ang aking katawan: tangay ng kanyang simbuyo, sinimulan niyang halikan ang aking dibdib. Gumagalaw rin ang aking mga kamay, subalit nang nag-ibayo ang matindi niyang damdamin, marahan ko siyang itinulak papalayo.

“O,” pahalinghing niya, “Patawarin mo ako: nitong mga nakaraang buwan, wala akong naramdamang haplos man lamang — walang pagkalinga. Matagal kong pinangarap at ipinagdasal ang gabing tulad nito. Pasalamatan ang Makapangyarihang Diyos, dininig at tinugon niya ako. O Marianne, patawarin mo ako kung may nagawa akong di mo naibigan.”

“Wala kang nagawang sukat ikagalit ko, mahal kong Jeanne. Subalit hindi tama na ako ang sambahin mo: ikaw ang dapat na sambahin ko.”

Ngumiti siya, isang matamis at tila tamad na ngiti na nagpatimyas ng init sa aking puso: ang magaslaw at walang ingat na paggawing siyang nagpapasiklab ng galit ni Cauchon, itinaas niya ang kanyang ulo at nagwikang, “Ipinadala ka upang halikan ako? Ano pa ang hinihintay mo, halikan mo na ako.”

Napahalakhak ako nang mahina at mababa. “Hindi mo alam kung ano ang iyong hinihingi. Ipinadala ako rito upang gawaran ka ng kakaibang uri ng halik.”

“Ow?” biro niya sa akin. “Ipakita mo nga.”

“Kailangang halikan kita sa paraang…” Ginamit ko ang mga daliri ko upang tudyuhin siya, at namilipit siya sa galak.

“Sa anong paraan?”

“…sa paraang panandaliang lilisanin ng iyong kaluluwa ang iyong katawan.”

Kumislap ang kanyang maiitim na matang tila nag-aanyaya.

Dahan-dahan, nanunukso kong inilapit ang mga labi ko sa kanya. Noon ko sinimulan ang paghalik. Sandali siyang nanigas; subalit matapos ay nagpahinuhod na rin — at O! napakatamis na pagpapaubauya! Payapa sa simula, ilang sandali pa ay nagsimula na siyang umungol sa aking bibig. Sunod, naghiwalay ang aming mga labi, subalit hindi napatid ang halik, dahil ginabayan ko ang aking dila patungo sa kanyang baba, paindayog tungo sa kanyang leeg. Ang kanyang mga daliri ay nasa aking buhok, kumakapa, humahaplos, humihinging ipagpatuloy ko ang aking ginagawa, habang iniaalay niya ang kanyang sarili sa akin nang buong-buo; kaya ipinagpatuloy ko sa aking paglalakbay paibaba, tungo sa kanyang mga dibdib. Ang paghigpit ng hawak kanyang mga daliri sa aking buhok ang siyang naghudyat sa aking nais niya ako roon, at kung gaano katagal niya akong gustong manatili roon.

“O Marianne, Marianne… Hindi pa ako kailanaman nakaranas ng ganoong halik! Tila natikman ko ang langit… Oo, oo, ituloy mo, utang na loob!” — at sa mga katulad pang salita at masisiglang halinghing, nahimok niya akong ipasok nang buo sa aking bibig ang isa niyang suso, habang yakap-yakap ng aking dila ang kanyang lumalabang utong. Unti-unti ang kanyang pag-ungol ay lumalim, para bagang hinuhugot mula sa kanyang kaibuturan, at hindi nagtagal, nanigas siya sa aking mga bisig, ang kanyang mga daliri tulad ng kuko ng lawin, ay parang iniipit, dinudurog ako, at paglipas nito, ay bumuntong hininga siya at lumapat sa kama nang pagud na pagod.

Inilapit ko sa kanya ang aking mukha, kaya't naglapat ang aming mga dibdib; at habang siya'y naiidlip, malamyos kong hinagod ang kanyang pisngi ng magigiliw na haplos, at ginantimpalaan naman niya ako ng isang ngiting nakalulugod tulad ng nagmumula sa isang paslit at ang puso ko ay nag-alab sa pag-ibig para sa kanya.

Sandali pa'y binuksan niya ang kanyang mga mata, at matagal akong minasdan na hindi umiimik, subalit nasisiyahang isaulo ang hawas ng aking mukha at titigan ang aking mga mata. Nang magsalita siya sa wakas, ang tinig niya ay karaniwan, marahil may bahid ng kaunting kapalaluan.

“Marianne: sino ka?”

“Di mo ba ako nakilala sa pamamagitan ng aking halik?”

Kumurap siya, at umiling. “Sabihin mo sa akin, Marianne.”

“Hindi pa kita nahahalikan ng tatlong ulit, Jeanne, at hanggang sa maganap iyon, hindi ko iyan maaring ipagtapat sa iyo. Subalit ito ang masabi ko: ako ang isinisigaw ng iyong puso, at naparito ako sa iyo.”

Sa mga katagang ito, napuno ng luha ang kanyang mga mata, niyakap niya ako nang mahigpit, animo'y gamit ang lahat niyang lakas. Sandaling yumanig ang kanyang mga balikat, at naramdaman ko ang pagtulo ng kanyang mga luha sa aking dibdib. Subalit, unti-unti, kasabay ng pagbugso ng simbuyo ng damdamin, sinimulan niyang humalik, hanggang muli ko na naman siyang itinulak nang marahan. “Hindi giliw na dalaga, hindi ikaw ang dapat na sumamba sa akin. Bago matapos ang gabing ito, tatlong ulit lilisanin ng iyong kaluluwa ang iyong katawan. At ito ay upang ihanda ka para bukas.”

Noo'y sinimulan ko siyang hipuing muli, hanggang sa maramdaman kong nag-iinit na siya, at tinatawag-tawag niya ang aking pangalan. Noon, muli kong ipinasok ang kanyang suso sa aking bibig, at sunod ay sinimulang halikan ang lambak sa gitna ng dalawang bundok na ito at tumawid ako patungo sa nakaligtaang kakambal nito. Matagal kong kinalaban ang isang ito ng aking dila, hanggang siya ay napaungot sa mahinhing kaluguran. Di kaunting panahon ang aking ginugol upang paligiran ang mga kulay gatas na mga palasyong bunton, pinaikutan ko ang palalong kuta ng kanyang utong, hanggang sa huli, halos mapaiyak na siya sa tindi ng kanyang pagnanasa, nasambit niya: “Mahal kong Marianne! Angkinin mo ako, parang awa mo na! Ang lahat-lahat!”

Marahil ang susong ito ay mas malakas ang pandama kaysa sa kakambal nito; o marahil ang katatapos lamang nitong dinanas na karurukan, ang siyang nagbigay daan na maging higit itong bukas sa aking pagsalat. Anupaman, ngayon kahit na bahagyang pagkiliti lamang ng aking dila sa kanyang malambot na kaselanan ay sapat na upang bumugso ang mga salitang pawang pag-ibig ang ipinahahayag, at ang pamimilipit ng kanyang mga daliri sa aking buhok. Napakalakas ng kanyang pakiramdam, at ako nama'y malumanay, ganito namin pinalipas ang malaking bahagi ng gabi, hindi siya nagsawa sa iba't ibang paraan ng paglalarong isinagawa ko sa pamamamagitan ng aking dila, ngayo'y ay pinalilibutan, ngayo'y pinipilintikan, ngayo'y malalapad na hagod, ngayo'y nanunukso sa pamamagitan ng paghaplit ng dulo lamang ng dila.

Maraming beses kong naramdamang naninigas siya; subalit naging marahan at malumanay ako sa kanya, at hinimas siya ng aking mga palad, upang siya ay ginhawahin. Kapag panatag na siya, binubulungan niya ako ng – minsan mga matatamis na salita, at minsan naman ay mga di mawaring kaisipan: “Hindi ko alam… Sa lahat nang panahong ito, ni hindi ko nalaman… Ito ba ang nararamdaman ng isang ina, Marianne? Maari bang maging kasintamis nito?” Subalit itunuro ko muli sa kanya ang payapang paraan ng aking pagmamahal sa pamamagitan ng mga labi at dila, at ang lahat ng mga tanong niya ay maglalaho, hanggang ang kaya na lamang niyang gawin ay itaghoy ang aking pangalan nang paulit-ulit.

Sa kalaunan, pinalawak ko pa ang mga ipinadarama sa kanya: at noong ginagawa ko iyon, humiyaw siya nang, “Sige pa! Oo, ganyan nga!” at ang kanyang mga kamay na malumanay na naglalaro sa aking mga balikat at leeg, ay muling naging mga kuko ng lawin sa aking buhok, at sa kanyang karurukan, isinalpok niya ang kanyang katawan sa akin bago tuluyang nalugmok sa nakapanlalambot na kasiyahan.

Sa pangalawang pagkakataon, bumangon ako at idinuyan ko siya sa aking mga bisig, kung saan siya humimlay, naaalinsanganan at bahagyang pinagpapawisan. Nakapikit pa'y hinahalikan na ako, subalit nang imulat niya ang mga mata, lumayo siya nang kaunti sa akin.

“O Marianne… langit ba itong ipinalasap mo sa akin?”

“Kung ang mahalin ay langit, ay oo, marilag na Dalaga, langit nga ito. Subalit kung ihahambing sa pag-ibig ng mga banal na anghel at mga santo, sa ating banal na Tagapagligtas, ay wala ito sa kalingkingan. Patikim lamang ito sa masidhing kagalakang naghihintay sa iyo kapag ikaw ay malugod nang sinalubong sa paraiso.”

Tumangis siya, subalit ngumingiti habang tumatangis. “Paano ka nakatitiyak? At tama bang sumuso sa kapwa babae, tulad nang ginagawa ng isang musmos?”

“Paano ito hindi magiging tama, kung ang ipinadarama natin ay pag-ibig? Gayon pa man, hindi ba karapat-dapat lamang na pasusuhin ng isang ina ang kanyang sanggol?”

Nagulumihan siya sa mga katagang narining, at tila natakot nang kaunti. “Bakit, ano ang iyong sinasabi?” Nanliit ang kanyang mga mata habang nagsasalita. “Sino ka bang talaga, Marianne?”

“Matapos ang siyam na buwang pagkabilanggo, pagkakakulong na pinagdusahan mo para sa akin, hindi mo pa rin ba alam kung sino ako?”

Umiling siya. “Sabihin mo sa akin, Marianne.”

“Dalawang ulit pa lamang kita nahahalikan, Jeanne, at samakatuwid hindi ko pa maaring ipagtapat sa iyo. Ngunit ito ang sasabihin ko: Ako ang iyong anak na babae, ang iyong panganay, at ako'y naparito sa iyo.”

Humagulgol siya pagkarinig sa mga salitang ito, at niyakap ako nang sakdal higpit. “Hindi ko alam,” hikbi niya, “Hindi ko alam kung paano ito nangyari.”

“Isang huling halik, pinagpalang Babae, at iyo nang mauunawaan. Sa iyong katawan, mayroon lamang tatlong kuta, na tanging pag-ibig ang maaring bumihag. Sa ngayon, ito pa lamang ang aking nasasakop — at dito,” hinawakan ko ang isang utong — “at ito. Subalit may isa pang moog na dapat kong mapagtagumpayan, at ito ang magiging pinakamatamis na halik sa lahat.”

Sandali siyang nanatiling nakahiga nang di gumagalaw; subalit laking gulat ko, nang magsimula siyang tumawa. Noong una, tahimik lamang ang kanyang pagtawa, sa huli naging tumataginting itong paghalakhak, subalit may kasabay na mga luha. Nang malaunan, tumahinik siya, at tapos ay nangusap: “Anong kaululan ba ito? Ang mga kutang sinasabi mo ay dadalawa. At totoo, nais kong halikan-halikan mo pa sila, dahil sila'y tumayog sa iyong ginawang paghalik at pagkarinyo.”

Bumangon ako, at humimpil sa paanan ng kama, at kinumpasan siyang dapat niyang paghiwalayin ang kanyang mga hita.

“Ano?” Bumangon rin siya at inilapit sa akin ang kanyang mukha. “Nais mong kunin ang aking donselya? Subalit hindi ito maari dahil isa kang babae. Isa pa, nangako akong kailanman ay hindi ako…”

Kinumpasan ko siya upang pumayapa. “Birhen ka, at mananatili kang Birhen. Inisip mo bang mapaparangalan ko ang birheng aking pinagmulan kung gagawin ko iyon, kapag nilapastangan kita'y lalapastanganin ko rin ang aking sarili?”

Nag-aatubili, nag-aalangan, binuksan niya ang sarili; at ako, gamit ang pinakamalamyos na pagdampi ng kamay ay pinayapa siya habang nilalapitan kong ang pinakaibuturan niyang dambana.

“Walang kuta diyan,” panlilibak niya sa akin, umungol siya nang haplusin ko. “Palagay ko'y nagkamali ka sa aking kasariian.”

“O hindi, Dalaga,” tiniyak ko sa kanya, “Narito ito, kailangan lamang tuklasin at handang-handa na ito para sa aking halik.”

“Iyan ba iyon? Ang bagay na iyan? Ano ba iyan? Hindi mo ako hahalikan diyan? — Diyan ako… — O! O Diyos sa Langit!”

Ang pangwakas, dahil sa nasimulan ko na ito, ang pangatlo at huling halik. At maingay at balisang-balisa siya, habang sinasamba ko siya roon, nahintakutan akong tatakbong papasok ang mga guwardya — o maari namang hindi, dahil iisipin nilang pinagmamalupitan lamang siya ng mga maamong panginoon. Gayun pa man, sandali kong itinigil ang paghalik at nagsumamo ako sa kanya:

“Dalagang Giliw: makikita mo roon, sa tabi ng kama, ang aking kamison, nakahimlay kung saan ito bumagsak. Kunin mo ito at buhulin, at iyong kagatin, baka kasi dahil sa iyong panaghoy ay magtakbuhang papasok ang mga kalalakihan!”

“Subalit di ako gumawa ng anumang tunog — di ba, Marianne?”

“Jeanne… Mahal kong Jeanne…” Tinitigan ko ang kanyang mga matang nag-aapoy sa pagnanasa, at lalo ko pa siyang minahal. “Kapag ang iyong kaluluwa ay lumisan sa iyong katawan, di mo alam kung anong kagulumihan ang dala nito, o kung anong mga hiyaw ang masasambit mo. Gawin mo ito.”

Nagbuntong-hininga siya, sumunod sa aking kahilingan, at ako naman ay nagpatuloy sa aking magiliw na pananakop. Kung ilang ulit siyang sumuko, at nakatanggap ng malaking biyaya, hindi ko na alam; subalit paulit-ulit, sa kanyang kasukdulan nagpumiglas siya mula sa akin nang buong lakas, at para bagang nagkaroon ng paglalaban sa pagitan naming dalawa, kung saan ginamit ko rin ang lahat nang aking lakas upang tuluyang maihatid siya sa rurok ng ligaya. Sa huli, habang nagsisimula nang sumilip ang maputla pang liwanag sa maliit na bintana, ito ang sinabi niya:

“O Marianne, Mariane, tama na, para mo nang awa! Hapung-hapo na ako. Ang labis na tamis na aking nalasap ay iniwan akong lupaypay, at ubus na ubos na ang aking lakas.”

Noon din, iniwan ko ang kanyang matatamis na hita, at muli humimlay sa kanyang tabi, at hinayaan ko siyang muling umidlip sa aking dibdib, habang tinatapik at inaalo ko siya ng aking masusuyong haplos.

“O Marianne, Marianne, sino ka ba, at minamahal mo ako nang ganito? Hindi mo pa ba sasabihin sa akin ngayon kung sino kang talaga?”

“Hindi mo pa ba alam? Amuyin mo ako, Jeanne. Ano ang iyong naaamoy?”

“Naaamoy ko… ang amoy ng lupain; ng damo, at mga berdeng dahon.” Umiling-iling siya at kumurap. “Hindi ko maunawaan. Halika: tatlong beses mo na akong hinalikan. Dapat ko nang malaman ngayon.”

“Kung gayon ay sasabihin ko na sa iyo. Subalit bago iyon, mahal na ina, hayaan mo akong titigan muli ang iyong mga mata sa huling pagkakataon.”

“At bakit mo ako tinawag na ‘ina’?”

“Huwag kang maingay, at hayaan mo akong tumitig, at makita kung ano ang mababasa ko rito…”

Tiningnan ko, at namalas ko kung ano ang matagal ko nang nais makita. “Sa iyong mga mata, nakikita ko ang isang pangitain.”

“Talaga?” Bigla siyang nanabik, na tila ba ang kanyang lakas ay nanumbalik. “Ano ang nakikita mo?”

“Nakikita kong kokoronahan ka… malapit na nalapit na, sa araw ding ito…”

“Totoo?”

“Hindi isang korona, kundi dalawa.”

“Dalawang korona? Ilarawan mo sila sa akin!”

“Ang unang korona ay maringal – higit pang marilag kaysa doon kina Santa Catalina at Santa Margarita – at ang koronang iyon ay matatanggap mo mula sa ating banal na Panginoon at Tagapagligtas mismo. Ito'y korona ng isang martir.”

“Purihin ang Diyos! — At ang pangalawa?”

“Ang pangalawa ay ang koronang nakapalibot sa buong mundo. Nakalagay dito'y isang hiyas, isa lamang. Habang umiikot ang mundo, umiikot rin ang korona; at ito ang iyong korona sa lupa, ang alay ng makasalanang sangkatauhan.”

“Isang korona sa lupa?”

“Iyan ang katotohanan. At tuwing ika-tatlumpu ng Mayo…”

“Ika-tatlumpu? Subalit… iyan ang petsa ngayon, hindi ba?”

“Siyanga. — Sa araw na ito bawat taon, ang hiyas sa iyong korona ay huhulihin ang silahis ng araw, na siyang muling magpapalagablab sa iyong ningas. At mula ngayon, ang araw na ito ang magiging araw mo sa mundo, hanggang sa ang mundo ay tuluyan nang magunaw.”

Hinawakan niya ako nang mahigpit, nag-aalab ang mga mata. “Paano mo alam ang lahat nang ito? Sino ka, Marianne?”

“Tatlong ulit na kitang hinalikan. Maari ko nang sabihin sa iyo. At kapag naunawaan mo na, kailangan na tayong magkawalay.”

“Nang sandali?”

“Nang sandali... O matagal. Hindi ko masabi.”

Niyugyog niya ako, halos saktan ako. “Sabihin mo! Sino ka?”

Gustung-gusto ko siyang halikan muli; subalit hindi na ito ipinahihintulot.

“Sinabi ko na sa iyo, subalit di mo naunawaan: ngayo'y matatalos mo na.”

Ako ang iyong supling, ang iyong tunay na supling;
Ako ang mithiin ng iyong puso, ang hiyas ng iyong pag-asa;
Ako ang iyong Bayan, dakila at nagsasarili;
Ako ang Kalayaan —
Ako ang Pransya.”

Mga Talang Pangkasaysayan (mula sa May-Akda)

Notes on the Translation

Balay Mga Salaysay Mga Tula